Home HOME BANNER STORY QCPD chief nagbitiw sa pwesto sa viral road rage issue

QCPD chief nagbitiw sa pwesto sa viral road rage issue

492
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Quezon City Police District Chief PBGen. Nicolas Torre III na nagpasa na siya ng kanyang resignation.

Aniya, sa pamamagitan nito ay nais niyang ipakita na wala siyang pinoprotektahan at handang ibunyag ang katotohanan sa insidente ng pinakahuling viral road rage incident video sangkot ang isang dating pulis.

Umani ng kabi-kabilang batikos ang natanggap ni Torre kaugnay ng viral road rage incident sangkot ang isang dating pulis na nanakit at nanutok na baril sa isang siklista na nakasagi ng sasakyan nito.

Matatandaan na nagsagawa si Torre ng press conference kasama ang dismissed police officer na sangkot sa insidente, na kinilalang si Wilfredo Gonzales.

Sa kumpirmasyon ni Torre, ang resignation niya ay epektibo araw ng Huwebes, Agosto 31. RNT/JGC

Previous articleBasurero arestado sa baril sa Valenzuela
Next article1 nawawala, 197K residente apektado kay Goring – NDRRMC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here