Home NATIONWIDE QCPD pinaiimbestigahan ni Belmonte sa viral cyclist case

QCPD pinaiimbestigahan ni Belmonte sa viral cyclist case

276
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Lunes ang imbestigasyon kung paano pinangangasiwaan ng Quezon City Police District ang kaso ng driver na nakunan ng video na naglabas at kumasa ng baril laban sa isang siklista, na nagsabing hindi siya papayag na ma-whitewashed ang kaso.

Bunsod nito iniutos ni Belmonte sa QC People’s Law Enforcement Board (PLEB) na pumasok sa imbestigasyon matapos sabihin ng driver na si Wilfredo Gonzales na naayos na nila ng siklista ang usapin at nagkasundo.

“We are appealing to the complainant to come forward so that Willy Gonzalez, whom I consider a menace to society, is held accountable,” ayon sa pahayag ni Belmonte.

“We want to assure the cyclist that we will extend legal assistance, as well as put him and his family in our protection so that justice is served. I will not allow this case to be whitewashed,” dagdag pa ng alkalde.

Kaugnay nito sinabi pa ni Belmonte na maaaring matakot ang siklista dahil nakalaban niya ang isang tao mula sa gobyerno.

Samantala, sumuko si Gonzales sa mga awtoridad noong Linggo matapos mag-viral sa social media ang isang video kung saan siya nagmura, nanakit, at bumunot ng baril sa isang siklista.

“This culture of impunity is not acceptable in QC and I have a duty and responsibility to maintain peace and order in our city and to send a strong message that acts such as those committed shall not be tolerated and that he must be held accountable,” sabi ni Belmonte.

Sinabi niya na sakaling magharap ang siklista, ang LGU ay naghahanap ng mga reklamo tulad ng grave threat, slander by deed, reckless imprudence, physical injuries, at paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, sinabi ni Belmonte na palalakasin ng LGU ang kaligtasan ng mga bike lane at magpapakalat ng mas maraming bike patrol.

“We would like to reassure the cycling community and all our citizens for that matter that the city is willing to exhaust all means to demonstrate to them that we will act in their interest and in the pursuit of justice,” sinabi pa nito.

Nauna rito, sinabi ng hepe ng QCPD na si Police Brigadier General Nicolas Torre III na nasa siklista kung nais nitong magsampa ng reklamo.

“Nasa sa kanya po ‘yun. Wala pong pumipigil sa kanya. Ang settlement naman ‘yan, anytime kung gusto niya umatras, at gusto niyang magbago ng isip, e di walang problema po ‘yun,” sinabi pa ni Torre sa interbyu.

Sinabi ni Torre na hindi pa niya nakakausap ang siklista. Gayunpaman, sinabi niyang makikipag-ugnayan siya sa siklista para hilingin na magsampa siya ng reklamo.

“Ire-request namin na mag-file na today para matapos na ang alingasngas na sinasabi ayaw daw i-file ng pulis,” sabi pa ni Torre. Santi Celario

Previous articleMost wanted na mangingisda, nalambat sa Navotas
Next article#CancelledFlights ngayong Martes, Aug. 29, 2023, alamin!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here