Quarantine facility sa Tondo, binuksan vs. COVID-19

Quarantine facility sa Tondo, binuksan vs. COVID-19

May 21, 2020 @ 5:55 PM 7 days ago

  • 18
  •  
  •  
    18
    Shares
Share

Manila, Philippines – Tinatayang nasa mahigit P1.2 milyon halaga ng quarantine facility ang ipinagkaloob sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa Tondo bilang bahagi ng paglaban sa kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Itinurn-over ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lokal na pamahalaang lungsod ang nasabing quarantine facility na may 44-bed capacity na itinayo sa Tondo High School upang paglaanan para sa mga suspected at probable cases ng COVID-19.

Inikot at Ininspeksyon nina Manila Mayor Fransisco Isko Moreno Domagoso, AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. at Mr. James Tioco Samaritan Purse International, ang binuong quarantine facility sa loob ng Tondo High School. Crismon Heramis

 

Napag-alaman na ang nasabing pasilidad ay itinayo ng AFP at Manila Department of Engineering and Public Works (MDEPW) kung saan katuwang din ang Samaritan’s Purse International at WTA Architecture + Design Studio.

Ayon kay Domagoso, malaking-bagay ang tulong ng AFP sa patuloy na paglaban ng Maynila sa COVID-19 lalo na ngayon na patuloy ang pagtaas ng bilang nito sa nasabing lungsod.

Ikinatuwa naman ni Yorme na sa Tondo High School, na kanyang Alma Mater, itinayo ang nasabing pasilidad na makakapagbigay ng libreng serbisyo sa mga Manilenyong posible na magkaroon ng sintomas sa nasabing sakit.

Ayon sa alkalde, ang itinayong pasilidad sa Tondo High School ay ikatlong Quarantine Facilities na natapos at handa nang tumanggap ng pasyente kung saan ang naunang dalawa ay ang Delpan Quarantine Facility at Araullo High School Quarantine Facility.

Batay sa datos ng Manila Health Department, nasa mahigit 1,100 na ang nagpositibo ng COVID-19 sa Maynila kung saan sa Tondo ang may pinakamaraming kumirmadong kaso nito. Jay Reyes

Share

Leave a Reply

Loading...