Home ENTERTAINMENT Queenay Mercado, pasado sa acting!

Queenay Mercado, pasado sa acting!

Manila, Philippines- First movie ng social media sensation na si Queenay Mercado ang Slay Zone na tinatampukan nina Pokwang at Glaiza de Castro.

Positive ang feedback sa acting dito ni Queenay kahit newbie pa lang siyang aktres.

Kaya naman masaya siya at nagpapasalamat sa mga pumuri sa kanyang performance sa nasabing suspense-thriller movie na pinamahalaan ng premyadong si Direk Louie Ignacio.

Nakangiting sambit ni Queenay, “Siyempre ay nakaka-proud po, nagulat din ako sa naging resulta, okay naman pala ang arte ko.”

Pagpapatuloy pa ng Batanguenang vlogger, “Thank you kay direk Louie na nagtiwala sa akin, at siyempre sa mga producers, Ms. April (Martin), Ms. Pauline (Publico), thank you so much po.”

Dagdag pa niya, “Nakakatuwa lang dahil dati ay pangarap ko lang ho na makita sa big screen, pero ngayon po ay natutupad na.”

Tuloy-tuloy na ba ang acting career niya?

“Yes, sana naman po ay magtuloy-tuloy ito.
Siyempre, sino ba naman ang hindi gusto?” nakangiting saad niya.

“Pero praying po ako for that, salamat po.”

Anyway, ibang Pokwang ang makikita sa pelikulang ito. Gumaganap ang komedyana sa papel na chief of police sa isang bayan at madugo ang mapapanood dito. Susugpuin niya ang nagaganap na serial killings sa kanilang bayan sa Pulang Lupa.

Bukod sa pagsabak sa action, may mga moment na nagdrama rin si Pokwang na pinuri naman ng mga nakapanood sa premiere night nito.

Saad ni Pokwang, “Sa maniwala po kayo o hindi, iyon po ang aking unang eksena sa unang araw ng shooting sa umagang-umaga. Tingin ko kaya ipinagawa sa akin iyon ni Direk Louie, gusto niya kasi fresh pa rin ako at hindi pa ngarag. Para mas mapaghandaan din iyong lalim, iyong hugot. Ibang klase si Direk talaga, thank you Direk!”

Isa pang exciting sa pelikulang ito ay ang twist nito, kaya dapat talagang panoorin sa mga sinehan.

First time namang maging co-producer ni Glaiza sa pelikulang Slay Zone, kaya thankful siya sa ibinigay sa kanyang opportunity.

Aniya, “Sobrang grateful ako sa Wide International, na sa dinami-dami nang nakatrabaho nila na puwede nilang gawing co-producer, ako pa ang pinili. At para pagkatiwalaan ako na maging parte ng company nila, na hindi lang ako basta endorser o talent nila, napakalaking bagay niyon.”

Nabanggit naman ni Direk Louie na mayroong part 2 ang Slay Zone, kaya kaabang-abang talaga ang pelikulang ito.

Mula sa Wide International Film Productions, ang Slay Zone ay palabas na.

Kasama rin sa pelikula sina Maui Taylor, Rico Barrera, Abed Green, Richard Armstrong, Lou Veloso, Hero Bautista, Raul Morit, at Paolo Rivero. Nonie Nicasio

Previous articleMangingisda sa Cebu pinatay ng isda
Next articleTesting ng surface-to-sea missile binantayan ni Kim Jong Un