Home METRO Quezon Memorial Shrine marker pinasinayaan sa birth anniversary ng dating Pangulo

Quezon Memorial Shrine marker pinasinayaan sa birth anniversary ng dating Pangulo

MANILA, Philippines – Pinasinayaan ng National Museum of the Philippines nitong Sabado, Agosto 19, ang marker na nagtatalaga sa Quezon Memorial Shrine bilang national cultural treasure.

Ito ay pinasinayaan kasabay ng ika-145 kaarawan ni dating Pangulong Manuel Quezon na namuno sa Philippine Commonwealth mula 1935 hanggang sa mamatay ito noong 1944.

Nagpadala naman ng bulaklak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng okasyon, na dinaluhan din ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

“Nagpapasalamat kami sa National Museum of the Philippines sa pagkilala ng importansiya at ambag ng Quezon Memorial Shrine sa ating kasaysayan at kultura. Sigurado ako na masaya si Pangulong Quezon kung makikita niya kung gaano na kaganda at kayabong ang ating lungsod,” ani Belmonte.

“Pangako ng lokal na pamahalaan na ipagpapatuloy natin ang pamana at pangarap ni Pangulong Quezon tulad ng mga programang panlipunan na higit na makatutulong sa mga mamamayan,” dagdag pa niya.

Ang Quezon Memorial Shrine ay opisyal na idineklarang national cultural treasure ng National Museum noong 2021.

Ayon sa Republic Act 10066, ang national cultural treasure ay isang ”unique cultural property found locally, possessing outstanding historical, cultural, artistic and/or scientific value which is highly significant and important to the country and nation, and officially declared as such by pertinent cultural agency.”

Ang Agosto 19 ay special non-working holiday sa probinsya ng Quezon at Aurora, maging sa Quezon City upang gunitain ang birth anniversary ng dating Pangulo, ayon sa mandato ng Republic Act 6741. RNT/JGC

Previous articlePresyo ng bigas inaasahang bababa ‘in 2-3 weeks’ – rice millers
Next articleKotse sumalpok sa puno sa Bataan, mag-iina patay