Home METRO Quezon niyanig ng magkasunod na lindol

Quezon niyanig ng magkasunod na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Patnanungan, Quezon nitong Biyernes ng umaga, Marso 15.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic in origin ang lindol kung saan naitala ang unang pagyanig na isang magnitude 3.9 bandang 1:59 ng madaling araw, sa 91 kilometro hilagang-silangan ng Patnanungan.

May lalim itong pitong kilometro.

Habang niyanig ng magnitude 4.2 ang naturang isla 1:45 ng madaling araw.

Naitala naman ang sentro nito 80 kilometro hilagang-silangan ng munisipalidad at may lalim na isang kilometro.

Wala namang inaasahang aftershock at pinsala sa lindol. RNT/JGC

Previous articleImplementasyon ng single-ticketing system aarangkada na sa Pasay
Next article3 sugatan sa sunog sa Valenzuela