Home METRO Simbahan ng Quiapo, idineklara nang National Shrine

Simbahan ng Quiapo, idineklara nang National Shrine

MANILA, Philippines – Pormal nang idineklara bilang National Shrine of Jesus Nazarene ang Basilica Minore ng Quiapo Church ngayong Enero 29, Lunes.

Pinangunahan ang deklarasyon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at sinamahan siya ng iba pang Obispo at mga pari ng Archdiocese of Manila.

Ang pagiging Pambansang Dambana ng Quiapo Church ay matapos itong aprubahan ng Vatican.

Nauna na ring inaprubahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang petisyon na ideklarang “national shrine” ang Quiapo Church noong Hulyo 2023.

Sinabi ni Cardinal Advincula sa kanyang homily na ang pagdagsa ng mga deboto sa Quiapo kada taon ang isa sa mga naging dahilan ng pagkakatalaga nito bilang Pambansang Dambana. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleVP Sara malabo na sa pwesto sa gabinete ni PBBM – Colmenares
Next articlePinsala sa shear line umabot na sa P136M