Home METRO Quiapo Church, national shrine na sa Enero

Quiapo Church, national shrine na sa Enero

MANILA, Philippines – Opisyal nang idedeklara bilang “national shrine” sa Enero 9, 2024 ang Minor Basilica of the Black Nazarene ng Quiapo Church, ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Msgr. Bernardo Patin, CBCP secretary general na ipinasa kay Fr. Jun Sescon, rector ng Quiapo Church ang kautusan sa katayuan ng simbahan bilang isang pambansang dambana.

Nauna nang nagpasya ang CBCP na itaas ang simbahan mula sa pagiging archdiocesan shrine nito sa ika-126 na pagpupulong plenaryo ng mga obispo sa Aklan noong Hulyo.

Ang Quiapo Church, na kilala bilang Saint John the Baptist Parish, ay kinilala ni Pope John Paul II noong 1987 bilang Minor Basilica of the Black Nazarene dahil sa epekto nito sa kultura sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino.

Kinilala rin ang simbahan sa taunang Traslacion o ang engrandeng prusisyon ng Itim na Nazareno sa Enero 9. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleTech-voc institution sa QC pinadlak ng DMW sa illegal recruitment
Next articleGrave threat case ni Castro, purely speculative – Digong