Home HOME BANNER STORY Quiboloy binigyan ng ultimatum ng Kamara

Quiboloy binigyan ng ultimatum ng Kamara

MANILA, Philippines – Binigyan ng ultimatum ng House Committee on Legislative Franchises si SMNI founder Pastor Apollo Quiboloy na hindi nito magugustuhan ang mangyayari kung patuloy ang pag-isnab sa isinasagawang pagdinig ng Kamara ukol sa mga paglabag ng television network.

Nagbabala ang komite na kung hindi pa rin dadalo si Quiboloy ay maaari itong makasuhan ng contempt at makulong sa Batasan Complex.

“I’d like to remind Attorney Mark Tolentino (Quiboloy legal counsel) to please advise your principal, Pastor Quiboloy, to attend the next hearing because this committee has already previously issued a subpoena. What happens next will be unsavory for him,” pahayag ni committee vice chairman Surigao del Sur 2nd Rep. Johnny Pimentel sa naganap na panel hearing.

Giit ni Pimentel na kung hindi muli makakadalo si Quiboloy ay iuutos na ng Kamara ang pag-aresto rito.

Ang legislative franchises ng SMNI ay nirerebyu ng komite dahil sa paglabag nito kabilang na ang reklamong pagpapalabas ng fake news. Gail Mendoza

Previous articleFueling the future: SM Prime unveils groundbreaking waste-to-fuel partnership
Next articlePBBM nakiisa sa Muslim community sa pagdiriwang ng Isra Wal Mi’raj