Home NATIONWIDE Quiboloy ‘di haharap sa Senado; naghamon sa korte

Quiboloy ‘di haharap sa Senado; naghamon sa korte

MANILA, Philippines – Hindi haharap si Pastor Apollo Quiboloy sa imbestigasyon ng Senado sa mga alegasyon ng sekswal na pang-aabuso na ginawa ng mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ laban sa kanya.

Sa audio file na ipinost sa Facebook page na Buhay Kingdom 2024, iginiit ni Quiboloy na haharapin lamang niya ang mga alegasyon laban sa kanya sa mga korte.

“I will not subject myself to injustice that is done in a cloak of a Senate hearing… I will not subject to any of that, but I will face any of you… I will face you anywhere, anytime in a court ng batas,” ani Quiboloy.

“Just do it. If you cannot do that, you are all bogus, you are all false. You don’t deserve my respect because you don’t respect my personal rights. I will not also respect your office as a senator,” idinagdag niya.

Aniya, hindi dapat pinayagang tumestigo sa Senate inquiry ang testigo na may alyas na Amanda.

“‘Yung alias Amanda. ‘Yan po ay nagdemanda na ‘yan, ng ganong din mga alegasyon at iyan ay sinagot po namin. Sinagot ko at ‘yan ay na-dismiss sa korte ng Davao kaya tumakbo sila sa DOJ. Dismissable po, kahit anong tignin ninyo,” ani Quiboloy.

“Hindi niyo na po dapat kinuhang witness ‘yan, kasi ‘yan ay gumawa ng hakbang na mag-demand at iyan ay napatotoo na puro kasinungalingan ang pinagsasabi niya,” aniya pa.

“Sa inyong hearing, wala kaming dapat patotohanan diyan e. Sila, they have nothing to lose, kami dito pagpi-piyestahan niyo hindi namin papayagan ‘yun,” ani Quiboloy.

Iminungkahi ni Quiboloy na tulungan ng mga senador ang mga naagrabyado sa pagsasampa ng mga kaso.

“Tulungan niyo silang pumunta sa korte, magdemanda kayo para sila ay makakamit ng hustisyang sinasabi ninyo ay dapat nilang hanapin. Hindi po basta-basta maga-akusa kayo lalo na sa isang taong katulad ko, na international ang reputasyon ay gaganunin-ganunin nalang ninyo ako,” aniya pa.

Hinamon ni Hontiveros si Quiboloy na humarap sa pagdinig ng Senado.

Noong Disyembre, inihain ni Hontiveros ang mungkahing Senate Resolution 884 na naglalayong imbestigahan ang mga akusasyon laban sa KOJC. RNT

Previous articleCharter reform kayang tapusin bago Holy Week – solon
Next articleSen. Bato muling iginiit na House leadership nasa likod ng Cha-cha drive