Home NATIONWIDE Quiboloy umamin na nagtatago, takot patayin

Quiboloy umamin na nagtatago, takot patayin

MANILA, Philippines – Aminado si Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) sa Davao City, na nagtatago siya dahil sa umano’y tangkang pagpatay sa kanya.

Sa 36-minute voice message na inilabas ni Quiboloy, inakusahan niya ang pamahalaan ng Estados Unidos na nagpaplano ng assassination plot laban sa kanya.

Aniya, kaya niya naman na magpatawag ng press conference, ngunit kailangan niyang hindi ituloy “because my life is under threat that is why you won’t see my face, for now.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang linggo na magsalita sa publiko ang “Appointed Son of God” sa kabila ng congressional inquiries at paghikayat na humarap siya ng personal sa mga pagdinig.

Nitong Lunes, Pebrero 19, ipina-subpoena na ng Senado si Quiboloy upang sumagor sa mga alegasyon ng pang-aabuso na ginawa niya sa mga bata at kababaihan.

Inoobliga rin si Quiboloy ng Kamara na humarap sa Marso 12 sa imbestigasyon ng Committee on Legislative Franchises sa mga paglabag ng kanyang network na Sonshine Media Network Inc. sa mga paglabag sa prangkisa nito. RNT/JGC

Previous article14 sugatan sa tumagilid na jeepney; 2 pang jeep damay
Next articleArchipelagic Sea Lanes Bill aprub sa Senate maritime committee