MANILA, Philippines – Mananatiling miyembro ng Liberal Party si Marikina City Representative Stella Quimbo sa kabila ng pagbibigay nito ng opinyon sa mga usaping pambansa na hindi naaayon sa opinyon ng partido.
Sa pahayag nitong Sabado, Oktubre 7, sinabi ng LP na si Quimbo ay “is still a member of the Liberal Party.”
“The defense of Representative Stella Quimbo of the confidential funds, particularly of the Office of the Vice President and the Department of Education, and the Maharlika Investment Fund, contrary to the collective position of the leadership and ranking members of the Liberal Party of the Philippines, has resulted in some clamor to sanction Representative Quimbo as a party member,” sinabi pa ng LP.
“It has to be noted that she has later conceded that the utilization and audit of secret funds must be made more transparent and officials made more accountable,” dagdag pa nito.
Pinapayagan naman umano ang mga miyembro ng partido na magbigay ng kanilang opinyon sa mga national issue bilang pagkilala sa freedom of expression.
Sinabi pa sa pahayag na ang desisyong panatilihing miyembro si Quimbo ay pinagdesisyunan “unanimously” ng management committee ng LP. RNT/JGC