Home ENTERTAINMENT Quinn, bet maging kontrabida!

Quinn, bet maging kontrabida!

Manila, Philippines- Unang TV series ni Quinn Carrillo ang Asawa Ng Asawa Ko, starring Rayver Cruz, Jasmine Curtis, at Liezel Lopez.

Ayon sa mahusay na actress-singer-dancer-writer, bata pa lang ay wish na talaga niyang magkaroon ng TV series.

Aniya, “Yes po, bata pa lang ako mahilig na akong manood ng serye, lalo na sa GMA-7. I remember kaputukan pa noon ng Encantadia at iba pang fantaserye.”

Paano niya ide-describe ang seryeng Asawa ng Asawa Ko?

“Medyo kakaiba ito sa usual love triangle na series, eh. Kasi many people think from the title na kabitan na naman ang story, when actually ay hindi siya gano’n. It’s about a complicated situation na may bagong asawa iyong asawa mo kasi akala niya wala ka na.”

Naging bahagi siya ng StarStruck season 7 bilang Kyle Lucasan, noong panahon na iyon, naisip ba niya ang magiging career path ng kanyang showbiz career?

Esplika ni Quinn, “Noong nag-StarStruck ako, hindi ko po masyadong naiisip kung ano ang magiging career path ko, eh.

“Kasi nag-try lang po talaga ako and hindi ko po ine-expect talaga na makakapasok ako. I was just enjoying the moment and the opportunity given to me.”

Sa nakalipas na taon, si Quinn ay humataw sa maraming projects sa Vivamax bilang actress at writer.

May dream role ba siya sa TV na wish magawa?

“Iyong maging kontrabida po talaga, hahaha! Either that or yung parang super kikay na role na hindi nakakairita. Kasi sa palagay ko po, challenging ang ganitong papel at puwede mong paglaruan,” nakangiting sambit pa niya.

Nabanggit din ni Quinn na excited na siya sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang serye.

Aniya, “Super-excited po ako! Maganda po yung series at kaabang-abang talaga. Ang role ko po rito ay best friend ni liezel.

“Super big cast po ito at ang director pa po namin is si direk Laurice Guillen.”

Sa January 15 ay magsisimula na itong mapanood sa primetime ng Kapuso Network. Kasama rin sa serye sina Joem Bascon, Martin del Rosario, Gina Alajar, Luis Hontiveros, Crystal Paras, at marami pang iba. Nonie Nicasio

Previous articleGAB patuloy ang suporta sa PH sports
Next articleDwight Howard gustong maglaro sa PBA