Manila, Philippines – Sa get-together ng 3:16 Media Network ni Mam Len Carilo ay present ang writer/director/actress na si Quinn Carillo.
Isa si Quinn sa mga talents ng 3:16 na kinulit ng entertainment media tungkol sa pagkakaroon ng friends sa showbiz and from there ay sinabi niyang sinasadya niyang umiwas na magkaroon ng kaibigan sa industry.
“Ilag talaga ako sa showbiz friends kasi there are certain areas in your life na hindi mo pwedeng ipakita,” umpisa ni Quinn na para na rin niyang sinabi na she prefers having friends outside of the industry.
In one instance ay napag-usapan din ang nga kaibigang naging traidor sa kanya.
“Sa mga kaibigang traidor, sa umpisa, e, maiinis ka pero sa dulo tatawanan mo na lang.
“Napapatawad ko naman ‘yung ganu’n but forgiveness is different from forgetting,” sabi pa niya.
Ang itinuturing ni Quinn na kaibigan niya sa showbiz ay bilang na bilang lang at ‘yun ay ang mga kasama niya sa Clique 5 and Belladonnas. Ang boy-group at girl-group na mina-manage ng 3:16.
“In life in general, marami naman talagang ahas and lalo na sa showbiz kaya it’s kinda hard to gain super close friends. Isa pa, all of us are really working kaya yung mga friends ko talaga, e, yung friends ko before pa mag-showbiz.”
ATM ay may ginagawang movie si Quinn with the Comedy Queen herself, Ai Ai delas Alas, ang Litrato.
“Masaya katrabaho si Ai Ai. Pero kailangan ready ka sa kanya sa batuhan ng dialogue, dapat alam mo yung script at alam mo kung kelan ka babato ng dialogue.
“Very happy ako kasi nagawa ko naman ng maayos ang eksena namin na kasama siya,” sabi ni Quinn.
Inamin naman ni Quinn na na-starstruck talaga siya kay Ai Ai dahil nu’ng bata pa siya ay lagi niyang pinapanood ang mga pelikula ng una.
Ang pelikulang Litrato ay dinirehe ni Louie Ignacio at sinulat ni Ralston Jover. Kasama rin dito si Ara Mina.
Anyway, nasa Cloud 9 din ang feeling ni Quinn dahil pinayagan na raw siya ni Boss Vuc del Rosario ng Viva Films na gumawa ng istorya na pang mainstream at malamang ay romcom ang genre nito.
“Iba ang atake ng romcom kaya aaralin ko pa siya,” sabi niya.
Tinanggihan naman ni Quinn ang pelikulang Home Service dahil ang feeling niya ay hindi bagay sa kanya ang character. JP Ignacio