Home HOME BANNER STORY Quo warranto vs Guo isasampa ng OSG

Quo warranto vs Guo isasampa ng OSG

MANILA, Philippines – Target ng Office of Solicitor General (OSG) na agad na magsampa ng quo warranto case laban sa suspendidong Bamban Mayor Alice Guo matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) na mayroon siyang fingerprints sa Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

“The NBI’s finding is the breakthrough that the OSG has been waiting for. It clears up many questions about the mayor’s true identity, including her citizenship. It will surely expedited our legal action,” ani Solicitor General Menardo Guevarra sa GMA News Online.

Target ni Guevarra na isampa ito “as soon as possible”.

Nitong Huwebes, kinumpirma ng NBI na magkapareho ang fingerprints ni Mayor Guo at ng babaeng Chinese na si Guo Hua Ping.

“Kung siya ay nagmisrepresenta ng kanyang sarili sa ilalim ng panunumpa o gumawa ng mga maling pahayag sa kanyang certificate of candidacy at mga kaugnay na dokumento, siya ay maaaring managot sa kriminal para sa perjury o falsification, bukod pa sa pagpapatalsik sa pampublikong tungkulin sa pamamagitan ng tamang paglilitis,” sabi ni Guevarra.

Si Senador Risa Hontiveros ang unang nagsiwalat ng mga natuklasan ng NBI, at sinabi nitong kinumpirma nito ang mga hinala na ang suspendidong alkalde ay “isang pekeng Pilipino… nagpapanggap bilang isang mamamayang Pilipino upang mapadali ang mga krimen.”

Masusing sinisiyasat ang pagkakakilanlan ni Guo matapos ang pagsalakay ng mga pulis sa POGO hub sa kanyang nasasakupan sa Bamban, Tarlac. RNT