Home HOME BANNER STORY Quota system sa PNP kinalos na – exec

Quota system sa PNP kinalos na – exec

MANILA, Philippines- Kinalos na ng Philippine National Police (PNP) ang “quota” system para sa accomplishments ng mga miyembro nito, ayon kay deputy director general for administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia.

Sumagot si Sermonia nitong Lunes nang tanungin kung may kinalaman ang quota system sa pagtaas ng bilang ng mga krimen na kinasasangkutan ng erring cops.

Inilahad niya na ipinag-utos na nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., at hepe nitong di Gen. Benjamin Acorda Jr. sa kapulisan na itigil na ang quota system.

“We have sat down with SOJ [secretary of Justice] about that quota system, and that was the first directive of our CPNP [Benjamin] Acorda, and of course, it was the directive of our SILG to stop that quota system na sinasabi ninyo,” pahayag ni Sermonia nitong Lunes.

Sa quota system, rekisitos sa mga pulis mayroong “minimum number” ng arrests na kailangang maabot ang mga pulis kada linggo bilang bahagi ng kanilang accomplishments.

“And alam po namin yon kaya nga napepressure yung mga operatives noon pero ngayon po yun po ang kauna-unahang direktiba ng ating CPNP [na alisin yung quota],” dagdag niya.

Subalit, agad na nilinaw ni Abalos na bagama’t inalis na ang quota system, babantayan pa rin ng kapulisan ang police districts at kanilang hurisdiksyon.

“For example sa isang lugar sobrang daming drugs papa-verify namin yan pwedeng patangal kaagad andun naman yung mekanismo ng ‘yon pero wala ng quota system na sinasabi,” tgiit ng DILG chief. RNT/SA

Previous article44,493 vehicular accidents naitala sa Metro Manila mula Jan ‘gang July
Next articlePagbisita ng mga pulis kay Fortun ‘di dapat ikabahala – DILG