Home SPORTS Racasa, Ledesma panauhin sa TOPS

Racasa, Ledesma panauhin sa TOPS

MANILA, Philippines – Galing  ng Pinoy sa ‘memory game’ at tagumpay ng table tennis sa international arena ang sentro ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (July 20) sa Conference Room ng Philippine Sports Commission (PSC) sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Manila.

Personal na ibibida ni Roberto Racasa, tinaguriang ‘Father of Philippine Memory Game’, ang natatanging galing ng mga Pinoy sa naturang sports sa kanyang pagbisita sa lingguhang sports forum ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Ang 40-anyos na si Racasa ang tumatayo ring trainer at coach ng kanyang anak na si Antonelle Racasa na kamakailan lamang ay matagumpay na nakatanggap ng kanyang Women’ International Title.

Ibibida naman ni Ting Ledesma, pangulo ng Philippine Table Tennis Federation (PTTF), ang naging tagumpay ng Philippine Team sa nakalipas na SEAG at age group tournament, gayundin ang hosting ng World Junior table tennis championship sa Puerto Princesa, Palawan.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ang mga miyembro, opisyal at sports enthusiast na makiisa sa program ana mapapanood din ng live via liverstreaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) mobile apps.RICO NAVARRO

Previous articleMga mangingisda sa Navotas binigyan ng sariling bangka
Next articlePampasabog nadiskubre sa Pangasinan