Home ENTERTAINMENT Rachelle Ann, nawindang sa presyo ng gulay sa Pinas, na-bash! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rachelle Ann, nawindang sa presyo ng gulay sa Pinas, na-bash! May 24, 2023 13:17 359 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Palibhasa’y naka-base na sa London ay hindi aware si Rachel Ann Go sa presyo ng mga bilihin dito sa bansa lalo na ng mga gulay. Sa kanyang Instagram Story, nag-post ang singer ng larawan ng mga sari-saring gulay sa London with matching presyo. Ang ina ni Rachel ang namimili ng mga gulay. Patanong na post ng singer: “Bakit ang mura ng mga gulay dito sa London kumpara sa Pinas?” May isang maangas na netizen na sa halip maunawaan ang sentimyento ni Rachel ay nagtaray pa. Anito: “Huwag mong ikumpara ang presyo ng gulay sa London sa presyo dito! Kung may reklamo ka, leave!” Isa namang netizen tried to educate Rachel by saying na makakamura raw ng gulay kung bibilhin mo ito sa mga farmer. Siyempre nga naman, ipinapasa sa mga consumer ang pagta-transport ng mga gulay mula sa pinagkunan hanggang makarating sa pamilihan. Natural na pagdating sa merkado’y nakailang patong na presyo na ito. Hindi naman maaaring sisihin si Rachel dahil ilang taon na nga naman naninirahan ang kanyang pamilya sa Greenwich, London sa United Kingdom. Taong 2018 nang magpakasal si Rachel sa businessman na si Martin Spies with whom may dalawang anak siya. At huwag na tayong lumayo pa, hindi lang ang presyo ng mga gulay ang ginto rito sa atin. Hindi nga ba’t mataas ang inflation rate sa ating bansa? Ronnie Carrasco III