Home HOME BANNER STORY Radio broadcaster ‘livestream shooting’ kinondena ni PBBM

Radio broadcaster ‘livestream shooting’ kinondena ni PBBM

MANILA, Philippines – MARIING kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ginawang pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos matapos pagbabarilin habang naka-on-board sa loob mismo ng kaniyang radio station sa Misamis Occidental.

“I condemn in the strongest terms the murder of broadcaster Juan Jumalon,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Sa kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng Pangulo na “ang ganitong walang kabihasnang pag-atake sa ating mamamahayag ay walang lugar sa isang demokratikong bansa.”

“Makakaasa kayo ng aming masusing pagtutok upang mabigyan ng hustisya ang kanyang pagpaslang,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, inatasan na ni Pangulong Marcos ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahang mabuti ang krimen at hulihin ang mga may kagagawan sa krimen.

“I have instructed the PNP to conduct a thorough investigation to swiftly bring the perpetrators to justice. Attacks on journalists will not be tolerated in our democracy, and those who threaten the freedom of the press will face the full consequences of their actions,” aniya pa rin.

Sa ulat, idineklarang dead-on-arrival sa Calamba District Hospital ang biktimang si Juan Jumalon, 57, mas kilala sa tawag na “DJ Johny Walker”.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang krimen dakong alas-5:30 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng biktima kung saan may sariling booth sa Purok-6, Barangay Don Bernardo A. Neri, Calamba, Misamis Occidental. May programa sa radyo ang biktima na “Pa-hapyod sa Kabuntagon”.

Bigla na lamang pumasok sa bahay ng biktima ang suspek at agad itong binaril sa bibig na tumagos sa ulo. Ang pamamaril ay nakuhanan pa ng video.

Agad namang inutos ni PRO 10 Regional Director PBGen. Ricardo Layug, Jr,. ang pagla­latag ng checkpoints sa bayan ng Calamba para sa agarang pagdakip sa suspek.

Lumilitaw na kinuha rin ng suspek ang kuwintas ng biktima.

Nabatid kay Layug na bumuo na rin sila ng Special Investigation task Group (SITG) na tututok sa pamamaslang kay Jumalon. Kris Jose

Previous articleP107-M lotto jackpot nasolo!
Next articleCOVID cases sa isang linggo bumulusok ng 18 porsyento