Home NATIONWIDE Radioactive water, nag-leak sa Fukushima

Radioactive water, nag-leak sa Fukushima

JAPAN – Nag-leak ang radioactive water mula sa isang device na naglilinis ng kontaminadong tubig sa Fukushima Daiichi nuclear power plant, ayon sa Tokyo Electric Power Co. nitong Miyerkules, Pebrero 7.

Nilinaw naman ng ahensya na hindi maaapektuhan ang kapaligiran sa labas ng planta.

Tinatayang nasa 5.5 metriko tonelada ng radioactive water na naglalaman ng 22 billion becquerels ng radioactive substances ang nag-leak makaraang maiwanang nakabukas ang mga valve ng water treatment equipment kasabay ng isang maintenance work.

Wala namang naitalang kaibahan sa monitoring posts sa paligid ng planta, o sa water monitor readings sa mga gutter na nasa loob nito.

Matatandaan na naapektuhan ang power plant ng malakas na lindol at tsunami noong 2011. RNT/JGC

Previous articleClarin, Team Lakay palalakasin MMA
Next articleP50M multa sa mga personalidad na sangkot sa game-fixing, isinusulong ng Senate panel