Home NATIONWIDE Rail projects sa Pinas bibilisan ng DOTr

Rail projects sa Pinas bibilisan ng DOTr

Sinisikap ng Department of Transportation (DOTr) na mapabilis ang mga pangunahing proyekto ng riles sa bansa sa pamamagitan ng technical at financial assistance mula sa gobyerno ng Japan.

Nanawagan si Transportation Secretary Jaime Bautista sa isang pagpupulong kasama ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at ang Japanese Ministry of Land Infrastructure Transport and Tourism noong Miyerkules, na maisakatuparan ang kanilang mga talakayan sa patuloy na pagtatayo ng ilang big-ticket rail projects sa bansa.

Ang pagbibigay ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng tulong mula sa gobyerno ng Japan, aniya, ay mananatiling “moderno at kapantay ng ibang mga bansa” ang mga proyekto ng riles ng Pilipinas.

“The challenge is to extract from today’s discussions how best to bridge the gap between our vision of an ideal rail industry and the current status of our rail system operations,” sabi ni Bautista.

Sinabi ni Bautista na ang drafting ng 30-year railway master plan ay dapat magsilbing springboard para sa talakayan tungo sa sustainable operations sa Metro Manila Subway, ang North-South Commuter Railway, Metro Rail Transit Line 3 at iba pang railway projects.

“We must focus on sustainable operations, which requires the collaboration of government and private operators,” saad ni Bautista.

Sa pagpupulong, kinauaap ni Bautista ang japanese bassy to the Philippines Economic Minister Nihei Daisuke, JICA chief representative to the Philippines Takema Sakamoto, at Dr. Morichi Shigeru mula Japan National Graduate Institute for Policy Studies. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleTsinong may kasong kidnapping hinarang paalis ng Pinas
Next articleMister na nag-amok patay sa rumespondeng pulis