Home NATIONWIDE Raket ng jailguards na magkaltas ng pera sa mga inmate, nagpapatuloy –...

Raket ng jailguards na magkaltas ng pera sa mga inmate, nagpapatuloy – Remulla

234
0

MANILA, Philippines – Tuloy pa rin ang pag-kangkong ng mga jail guards sa natatangap na pera mula sa mga kaanak ng mga inmates sa New Bilibid Prison (NBP).

Ibinunyag sa pagdinig ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa imbestigasyon ng House Committee on Public Order and Safety na may mga jail guards ang humihingi ng 10 hanggang 20 percent na cut mula sa ipinadadalang pera sa mga inmates.

Ipinaliwanag ni Remulla na dahil sa napakaliit na food budget na P70 para sa kada inmate ay napipilitan ang mga ito na humingi ng sustento sa mga kaanak nila sa labas.

Matagal na aniyang problema na kina-kangkong ng mga jailguards ang natatangap na sustento ng mga preso.

Kahit aniya, idaan sa GCash, mayroon pa ring kinukuha na komisyon ang mga guwardiya na 10 hanggang 20 percent bago pa matangap ng inmate ang sustento. Teresa Tavares

Previous articleJose, may pasaring sa Nigerian co-host, dapat daw sitahin ng MTRCB!
Next articleDominic, bet magkaroon ng 8 na anak; Bea, pumalag!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here