Home METRO Rape suspect timbog sa manhunt ops

Rape suspect timbog sa manhunt ops

MANILA, Philippines- Sa pagsasagawa ng manhunt operations laban sa masasamang elemento sa lipunan ay nadakip ang isang rape suspect nitong Biyernes (Marso 15) sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr. ang inarestong suspek sa alyas na Almario, 22, residente ng Seaside Square, Barangay Tambo, Parañaque City.

Sinabi ni Mayames na si alyas Almario ay tinaguriang ikalawang most wanted person (MWP) sa ilalim ng station level.

Ayon kay Mayames, dinakip ang suspek dakong alas-10:15 ng umaga sa kahabaan ng F.B. Harrision St. Barangay 70, Pasay City.

Ang pag-aresto kay alyas Almario ay naipatupad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Enero 22, 2024 ni Las Piñas Family Court Judge Mildred Jacinto Marquez ng Branch 2 na walang kaakibat na rekomendasyon ng piyansa.

Kasalukuyang nanatili sa custodial facility ng Pasay City police ang suspek habang naghihintay ng commitment order para sa kanyang paglilipatang piitan sa Pasay City jail. James I. Catapusan

Previous articleChocolate Hills resort binigyan ng building permit ng LGU; walang ECC mula sa EMB
Next articleDOH handa sakaling muling magka-pandemya