Home HOME BANNER STORY Rape victims inakusahan ni Quiboloy na may ‘Potiphar’s wife syndrome’

Rape victims inakusahan ni Quiboloy na may ‘Potiphar’s wife syndrome’

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Davao-based Kingdom of Jesus Christ, ang mga alegasyon na pinagsamantalahan niya ang ilang babaeng personal assistants o “pastorals,” sabay-sabing ang mga akusasyon ay gawa-gawa lamang dahil ni-reject niya ang mga ito.

Sa Facebook video, sinabi ni Quiboloy na maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya dahil siya ay single at ginawa rin siyang mayaman ng Diyos. Dagdag pa, siya rin daw ang “Appointed Son of God.”

Sinabi pa ni Quiboloy na ang mga ito ay dumaranas ng “Potiphar’s wife syndrome.”

“Ako po ay hindi nag-asawa. Ngayon inaakusahan ako ng napakaraming babae. Eto po ang kasalanan ko. Pinayaman ako ng Panginoon. Akala nila sa akin, single ako, kaya pinag-aagawan ako. Pagkatapos na ako’y maghihinde, mapapahiya, ibabaliktad nila sa akin. ‘Yan ang tinatawag kong Potiphar’s wife syndrome,” aniya.

Sa bibliya, si Joseph ay ibinenta ng kanyang mga kapatid at napunta sa tirahan ni Potiphar, kapitan ng mga guwardya ng Pharaoh. Sa kwento, inakusahan ng asawa ni Potiphar si Joseph na ginahasa siya matapos na tumanggi si Joseph sa sekswal na pagnanais ng babae.

“Nag-aagawan sila. Mahirap man sabihin, pinag-aagawan nila ako dahil nanawag sa mga magulang; ‘Yayaman na tayo, Ma, pag nangyari ito.’ Sabi ko hindi mangyayari ‘yan dahil dedicated ako.”

“Napahiya, nabayaran, ngayon binabaliktad lahat ng storya,” dagdag pa niya, na tinutukoy ay ang mga umaakusa sa kanya.

Matatandaan na ilang ex-KOJC pastorals ang tumestigo laban kay Quiboloy sa Senado na sila ay pwersahang pinagtatalik kasama ang “Appointed Son of God.”

Isa pang resource person ang nagsabi na kahit menor de edad ay pwersahang pinagtalik kasama ang pastor. RNT/JGC

Previous articleGinang Ongpauco at Chiz, nag-bonding; Netizen, emosyunal!
Next articleHigit 200 katao naospital sa hinihinalang food poisoning sa Agusan