RAPID COVID MASS TESTING HINAHARANG

RAPID COVID MASS TESTING HINAHARANG

March 25, 2020 @ 1:15 PM 2 weeks ago

  • 44
  •  
  •  
    44
    Shares
Share

Dismayado ang mamamayan sa “pagharang” ng Department of Health, Food and Drug Administration at ng Research Institute for Tropical Medicine sa kritikal na Covid-19 on site test kit o rapid test na ginagamit sa Tsina, South Korea, Taiwan at ngayon ay sa Europa.

 

Ang On-Site Test kit na ito na aprubado ng China FDA at CDC, pasado sa CE Mark Standard ng Europa, nasertipikahan naman ng FDA ng South Korea at Taiwan ay ipinagkakait ng pamahalaan sa mga mamamayang Filipino.

 

Ang aprubado lamang sa gobyerno ngayon ay ang PCR Covid-19 Testing Method na nangangailangan ng laboratoryo at sa ngayon, limang laboratoryo sa bansa ang nagsasagawa nito.

 

Matagal ang resulta sa PCR Method na umaabot nang 2 hanggang 4 na araw samantalang sa On-Site Testing o Lateral Method ay 15 minuto lamang.

 

Bukod dito, may kamahalan ang PCR method kumpara sa presyo ng on-site testing na rekomendado para sa mass Covid-19 Testing.

 

Ayaw kong isipin na may kumukopo sa pamahalaan para sa pagbebenta ng test kit dahil milyon milyong buhay ang nakasalalay dito.

 

Si Donald Trump mismo ay niluwagan na ang protocol kaugnay sa mass testing sa Estados Unidos at inaprubahan na rin ng US FDA ang rapid testing.

 

Marami nang namatay na frontliner sa bansa na hindi man lamang nalaman kung positibo nga ba sa Covid-19.

 

Ma’am Usec. Maria Rosario Vergeire, lumalabas na mas magaling ka pa sa US FDA, China FDA, EU CE Mark, Sokor DFA, Indonesia FDA, etc.

 

Ito lang ang masasabi ko, nasa kamay mo sampu ng mga nag-uutos sa ‘yo ang dugo ng mga Filipinong namamatay araw na sana’y naiiwasan kung pinayagan n’yo lamang ang mass testing.

Share

Leave a Reply

Loading...