MANILA, Philippines- Bagsak sa selda ang isang construction worker na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado bilang si alyas “JP”, 33 at residente ng Rizal.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Lt. Col. Sales na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang akusado sa Navotas City.
Sa pangunguna ni P/Lt. Armando Pandeagua Jr, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-6:30 ng umaga sa kahabaan Road 10, Brgy., North Bay, Boulevard North, Navotas City.
Ayon kay Lt.Col. Sales, ang akusado ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest was na inisyu ni Presiding Judge Arlyn B. Conception-Soresca ng Regional Trial Court FC Branch 143, Cainta Rizal noong September 11, 2023, para sa kasong of Rape in rel. to Art. 266-B as amended by RA 8353 in rel. to Sec. 5 (A) of 8369 of the RPC and (2 Counts) of RA 7610 in rel. to RA 8369.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa NPD-CFU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Boysan Buenaventura