Home METRO Rapper sa Cebu kulong sa pamamaril sa Kano

Rapper sa Cebu kulong sa pamamaril sa Kano

CEBU CITY- ARESTADO ang isang rapper sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa reklamong pamamaril sa isang American national sa loob ng bar, nitong Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Andrew Salera, nasa hustong gulang, kilala sa alyas ‘Range 999’ rapper ng Cebu, taga Boljoon City at nakatira sa Barangay Bacayan, Cebu.

Nilapatan naman ng lunas sa ospital ang biktimang si Michael George Richey, 37, American national matapos tama ng bala ng /45 na baril sa balikat.

Ayon kay Police Major Romeo Caacoy Jr., hepe ng Mabolo Police Station, nadakip ang suspek sa bahay ng kanyang manager sa Sunshine Valley sa Barangay Quiot, Cebu.

Batay sa report pulisya, naganap ang insidente bandang 8:20 AM sa loob ng bar sa isang hotel sa Barangay Lahug, Cebu.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakuhanan ng CCTV footage na umiinom ang biktima sa loob ng bar.

Habang nakatayo ang tatlong lalaki sa labas ng bar, biglang dumating ang isang MG SUV na minamaneho ng suspek.

Bumaba ang isang lalaki sa back seat at pinagsisipa ang tatlong biktima, habang lumapit naman si Richey sa driver’s side ng sasakyan subalit makalipas ang ilang segundo isang putok ng baril ang narinig at natumba ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng sasakyan.

Agad naman dinala sa pribadong ospital ang biktima para lapatan ng lunas ay ngayon ay nasa maayos ng kondisyon.

Sa himpilan ng pulisya, depensa ng suspek nambastos umano ng babae ang biktima subalit hindi nito inamin kung nakita niya akto ang ginawang pambabastos ng biktima.

Nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms si Salera./Mary Anne Sapico

Previous articleWarrant of arrest vs Quiboloy, ilalabas na, ’48 hours deadline, napaso’ – Hontiveros
Next articleXian, may panawagan sa GMA!