Home HEALTH Rare human case ng bubonic plague nadiskubre sa US

Rare human case ng bubonic plague nadiskubre sa US

UNITED STATES – Nababahala ang mga opisyal ng Oregon sa Estados Unidos sa naitalang rare human case ng bubonic plague na posibleng nailipat sa pamamagitan ng alagang pusa.

Ang bubonic plague ang dahilan ng pagkamatay ng malaking bahagi ng populasyon noong Middle Ages na kilala sa tawag na “Black Death.”

Bagama’t posible nang magamot ang bubonic plague ay mapanganib pa rin ito sa taong mahahawaan.

Hindi na tinukoy pa ang pagkakakilanlan ng pasyente sa Deschutes County at sinabing kasalukuyan na itong ginagamot.

“All close contacts of the resident and their pet have been contacted and provided medication to prevent illness,” ayon kay Dr. Richard Fawcett, Deschutes County Health Officer sa anunsyo noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga awtoridad, ang sintomas ng bubonic plague ay lumilitaw sa tao nang hanggang walong araw matapos ang exposure nito sa infected na hayop o insekto.

Kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, pagkahilo, panghihina, panlalamig at muscle aches.

Kung hindi agad magagamot ay magdudulot ito ng septicemic plague o inpeksyon sa daluyan ng dugo, o kaya naman ay pneumonic plague na nakaaapekto sa baga.

“Fortunately, this case was identified and treated in the earlier stages of the disease, posing little risk to the community,” saad sa pahayag.

“No additional cases of plague have emerged during the communicable disease investigation.” RNT/JGC

Previous articleWanted na OFW arestado sa Pasay
Next articleTsuper ng taxi hinoldap ng 2 nagpanggap na pasahero