Home NATIONWIDE Rasyonalisasyon ng livelihood programs utos ni PBBM – DBM chief

Rasyonalisasyon ng livelihood programs utos ni PBBM – DBM chief

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rasyonalisasyon sa lahat ng livelihood programs ng national government.

Ito ang isiniwalat ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa kamakailan lamang  na pagdinig ng  House Committee on Appropriations ukol sa P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP) o panukalang national budget  para sa 2024.

“The President actually instructed us to rationalize all the livelihood projects and programs under the national government,” ayon kay Pangandaman sa mga mambabatas.

“Because when he [Marcos] reviewed the NEP,  the President’s budget, he thought that there’s a lot of agencies who provide livelihood programs separately,” sabi ng Kalihim.

Ibinahagi ni  Pangandaman sa mga mambataas na magsasagawa ang  DBM  ng masusing pag-aaral sa bagay na ito ngayong taon, na may ‘potential rationalization’ na isasagawa sa 2025.

“We will start our study this year and by 2025 maybe we’ll just concentrate the livelihood projects and at the same time focus on those who really needs the program,” aniya.

Samantala, ang budget para sa individual livelihood programs ng iba’t ibang departmento ng gobyerno ay maaaring pag-usapan sa isinagawang ‘respective briefings’ ng appropriations panel sa mga departamento.

Ang 2024 NEP na nagkakahalaga ng P5.768 trillion ay itinuturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa. Kris Jose

Previous articleP2.8B matatanggap ng NAIA sa 2024 budget
Next articleSundalo todas, 7 pa sugatan sa pananambang sa Basilan