Home NATIONWIDE Ratipikasyon sa ILO Convention 190, nakasalang na sa Senado

Ratipikasyon sa ILO Convention 190, nakasalang na sa Senado

MANILA, Philippines- Nakasalang na sa deliberasyon ng Senado ang isang resolusyon para sa ratipikasyon ng Pilipinas sa International Labor Organization Convention 190 o ang kasunduan sa pagbabawal sa karahasan at harassment sa lugar-paggawa.

Inihain ni Senate foreign relations committee chairperson Imee Marcos ang Senate Resolution 877 sa plenaryo saka ipinaliwanag na: “violence and harassment at work is one of the most widespread and pervasive human rights violations in the world and threatens equal opportunity, destroys human dignity, and degrades the entire society.”

Sinabi ng mambabatas na kauna-unahang tratado ang ILO Convention 190 na kikilala sa pangunahing karapatan ng lahat sa mundo hinggil sa malayang pagtatrabaho laban sa karahanan at harassment.

“It provides the first internationally agreed single definition of violence and harassment at work, defining it as ‘a range of unacceptable behaviors and practices’ that ‘aim at, result in, or are likely to result in physical, psychological, sexual or economic harm, and includes gender-based violence and harassment,’” aniya.

Ayon sa mambabatas, sakop ng ILO Convention hindi lamang ang lugar-panggawa kundi ang pagbiyahe ng manggagawa na may kaugnayan sa tungkulin nito, employer-provided accommodation, virtual work, at pagpunta at pauwi patungo at galing sa trabaho.

Bibigyan din ng proteksyon nito ang regular at contractual employees sa public o private sector, interns, volunteers, trainees, at job applicants.

Mabibigyan din ng benepisyo ang overseas Filipino workers dahil limitado ang kanilang kaalamanan kung paano papanagutin ang sinumang nanggigipit o nanghaharas sa kanila sa trabaho.

Nakatakda sa rekomendasyon ng Senado na humihiling sa lahat ng miyembrong bansa na ipatupad at i-monitor ang patakaran sa lugar-paggawa na tumutukoy sa karapatan at responsibilidad ng manggagawa, kanilang employer na naglalaman ng impormayson sa paghahain ng reklamo at pamamaraan ng imbestigasyon, kabilang ang panukalang proteksyon sa nagreklamo, biktima at saksi laban sa paghihiganti.

Inirekomenda rin ng komite na pondohan ng pamahalaan ang lahat ng programa bukod sa pagsasabatas ng panukala at programa na magbibigay proteksiyon sa lahat ng manggagawang Filipino.

“Let us a conduct a comprehensive review of our existing labor and anti-discrimination laws, and immediate address the glaring gaps in our regulatory framework. With your support we can quickly enact the enabling measures necessary to extend labor law protection to new hires, job order and contract of service personnel, interns, and workers in our enormous informal economy,” aniya.

“Let us finally address the invisible workers of the Philippine economy, creating for the first time a directory of informal workers in order to provide them with self-same rights as formal workers,” dagdag ng senador.

Kabilang sa gustong paglaanan ng pondo ang pangangalap ng mas maraming labor inspector, dagdag na kasanayan para sa kanila, paglikha ng specialized police units, 24-hour hotlines, crisis centres kabilang ang pansamantalang tirahan, pagbibigay ng medical care, treatment at psychological support.

Naging epektibo ang ILO Convention 190 noong June 25, 2021 at niratpikakahan ng anim na bansa, ang Argentina, Ecuador, Fiji, Namibia, Somalia, at Uruguay. Ernie Reyes

Previous articlePagkakaloob ng amnestiya mahalagang bahagi ng peace process – Galvez
Next article51% ng mga Pinoy tutol sa legalisasyon ng diborsyo – sarbey