Home ENTERTAINMENT Rayver, sosorpresahin ng kasal si Julie Anne!

Rayver, sosorpresahin ng kasal si Julie Anne!

Manila, Philippines – Matagal na palang pinaghahandaan ni Rayver Cruz ang paglagay sa tahimik.

‘Yun nga lang, bagama’t he knows full well na hindi pa gaanong handa ang nobyang si Julie Ann San Jose para rito, they’ve been seriously talking about it.

Kung kelan, Rayver wouldn’t exactly say.

Isa lang daw ang tinitiyak niya, it will come daw when Julie Anne least expects it.

Aniya, gugulatin na lang daw ng aktor ang kanyang significant other.

Sa katunayan, close that he is to most members of the entertainment press ay mukhang ang mga ito pa ang unang makakaalam ng mga detalye surrounding the wedding.

No, it’s not going to be an intimate one o kasal na limitado ang mga bisita.

Rayver realizes na malawak ang Cruz clan na kinabibilangan niya.

This alone explains kung bakit marami ang nais niyang makasaksi sa kasal nila ng singer-actress.

Kahit huge wedding ito, tradisyunal pa rin daw ang gusto ni Rayver.

By traditional, he means that the rites will take place at a church: a far cry from most celebrity weddings na nagaganap sa beach or garden.

Kung ibida nga ito ni Rayver ay parang siguradung-sigurado nang he and Julie Anne will end up together.

Aniya, there’s no denying naman daw sa mga ikinikilos niya.

“Sure na sure na!” ang walang pag-aalinlangang sabi niya.

Ang maganda sa kanilang relasyon, Rayver has drawn himself closer to his girlfriend’s family and so has Julie Anne to his.

Petsa na nga lang ng kasal ang kulang! Ronnie Carrasco III

Previous article6 bomb disposal robots natanggap ng PNP mula US
Next article17-anyos tinaga sa mukha ni erpat