Home NATIONWIDE Realignment ng P5.15B CIF ng OP, OVP, DepEd, ikakasa sa 2024 budget

Realignment ng P5.15B CIF ng OP, OVP, DepEd, ikakasa sa 2024 budget

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Risa Hontiveros na kanyang isusulong ang realignment ng mahigit P5.150 bilyong confidential at intelligence funds (CIFs) ng Office of the President, Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) sa ahensiyang may mas mahalagang programa at tanggapan na kailangan ng pondo upang matulungan silang protektahan ang teritoryo laban sa paglulusob ng China.

Sa pahayag, partikular na tinukoy ni Hontiveros ang panukalang CIF sa Office of the President na nagkakahalagang ₱4.5 billion, P500 milyon sa Office of the Vice President at P150 milyon sa Department of Education.

“I think we should support the increase of intel funds sa lahat ng ating mga totoong intelligence gathering agencies. And the (Philippine) Coast Guard may well be one of the important agencies today lalo na dahil katapat natin ang Tsina in the West Philippine Sea,” aniya.

Pinasusuri ng ilang mambabatas ang pagtaas ng badyet para sa intelligence units ng ilang ahensiya tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense (DND), Philippine National Police (PNP), at National Security Council sa halip na ilaan sa tanggapan na hindi kailangan ang naturang responsibilidad.

Sa ilalim ng panukalang 2024 national budget, mayroong P906.62 milyon CIF ang Department of the Interior and Local Government, ng sumasakop sa PNP, habang P1.898 bilyon naman sa DND, na may executive supervision sa AFP.

Ayon sa mambabatas, magiging ikalawang bahagi nito ang argumento ni Senate Minority Leader Koko Pimentel noong nakaraang taon hinggil sa “unreasonable confi and intel funds” sa ilang tanggapan sa ilalim ng 2023 national budget.

Tiniyak din ni Hontiveros na kanyang ipasusuri sa mambabatas kung paano ginamit ang 2023 CIF upang matukoy ang partikular na pagkilos na maaaring gawin sa susunod na alokasyon sa 2024. Ernie Reyes

Previous articleDrug den binuwag, 4 arestado sa Pasay buy-bust ops
Next articleRobert Arevalo, pumanaw na!