Home NATIONWIDE Reciprocal Access Agreement, mapakikinabangan ng Pinas, Japan

Reciprocal Access Agreement, mapakikinabangan ng Pinas, Japan

MANILA, Philippines – MAPAKIKINABANGAN ng Pilipinas at Japan ang planong Reciprocal Access Agreement (RAA) na naglalayong panatilihin ang “regional peace and stability” sa Indo-Pacific region.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bilateral meeting kasama si Japanese Prime Minister Fumio Kishida, araw ng Linggo.

Ang bilateral meeting  ay idinaos sa sidelines ng 50th Commemorative Summit of the ASEAN-Japan Friendship and Cooperation sa Tokyo.

“We are in agreement that we considered to be extremely significant between our two countries is Reciprocal Access Agreement that will give us a greater capability in terms of not only security but also in terms of disaster preparedness, alleviation, and adjustment,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Kishida.

“And that is something that is, I believe, is very, very significant and that it will bring to us greater capacity to maintain the peace in [the South China Sea],” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Nagkasundo naman ang dalawang lider na ipagpatuloy ang pagtutulungan upang makamit ang konklusyon ng negosasyon para sa RAA.

Ang RAA ay inaasahan na makapagpapalakas sa  maritime cooperation sa pagitan ng dalawang bansa habang ang panukalang  RAA  ang mangangasiwa sa mga pamamaraan at magtatakda ng alituntunin kapag ang  Philippine forces ay bibisita sa Japan para sa pagsasanay at joint exercises, at vice versa.

Ang pormal na negosasyon ukol sa RAA ay isinagawa sa Tokyo noong Nobyembre 29 hanggang 30 ngayong taon, kasama ang delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ng Department of National Defense, sinamahan ng negotiating teams mula Department of Foreign Affairs at Department of Justice.

Sa isinagawang pagpupulong, kapuwa sinaksihan nina Pangulong Marcos at Kishida ang pagpapalitan ng tinintahang kasunduan  kabilang na rito ang Memorandum of Cooperation sa pagitan ng  Japan Coast Guard at Philippine Coast Guard, at Memorandum of Cooperation sa pagitan ng Ministry of Economy, Trade and Industry ng Japan at Department of the Environment and Natural Resources sa larangan ng environmental protection.

Tiniyak naman ni Kishida na “Japan would steadily carry out the provision of coastal radar system through Official Security Assistance.”

Nangako rin si Kishida na mas palalakasin ang pagtutulungan sa maritime safety capacity building base sa memorandum of cooperation sa pagitan ng coast guards ng dalawang bansa.

Sa kanyang pananalita, nagpaabot naman ng kanyang pakikiramay si  Prime Minister Kishida  sa mga nasawi sa lindol at bomba sa  Mindanao.

Tiniyak nito na ang Japan ay committed na palakasin ang pagtutulungan para sa “free and open international order” base sa rule of law, binigyang-diin ang proteksyon sa human dignity. Kris Jose

Previous article2024 national budget pipirmahan na ni PBBM ngayong linggo
Next articleGrade 8 stude patay sa nahulog na spare tire ng trak, kapatid kritikal