Home HOME BANNER STORY Reciprocal Access Agreement tinalakay ng Pinas, Japan

Reciprocal Access Agreement tinalakay ng Pinas, Japan

MANILA, Philippines- Kapwa nagdesisyon sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio  na simulan ang negosasyon para sa panukalang Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng pwersa ng Pilipinas at Japan.

Sinabi ni Pangulong Marcos na binanggit ni Kishida ang mga benepisyo na makukuha ng Pilipinas mula sa kasunduan pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Nauna rito, mainit na tinanggap ng Pangulo si Kishida sa Palasyo ng Malakanyang.

“I also would like to recall our commitment to work on a framework for our status of visiting forces or the proposed Reciprocal Access Agreement, RAA, with Japan,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We are cognizant of the benefits of having this arrangement, both to our defense and military personnel and to maintaining peace and stability in our region,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Kishida  na makikipagtulungan ang Japan sa Pilipinas “to strengthen cooperation in maintaining and strengthening a free and open international order based on the rule of law amid complex crises facing the international community.”

“Japan and the Philippines are both maritime nations and strategic partners sharing a fundamental principles and values,”  dagdag na wika ni Kishida.

Sa kabilang dako, sa idinaos na  bilateral meeting ng Pilipinas at Japan, nilagdaan ang isang Official Security Assistance grant aid  na nagkakahalaga ng 600 million yen o P235.5 milyong piso.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang Japan sa Pilipinas ng coastal radar system na naglalayong paghusayin pa ang  defense awareness capability ng Philippine Navy.

Ang iba pang kasunduan na nilagdaan nina Pangulong Marcos at Kishida ay ang: “Exchange of Notes concerning the provision of construction equipment for Road Network Improvement/Implementation and Disaster Quick Response Operation under the Economic and Social Development Programme; Memorandum of Cooperation in the field of Tourism;  at ang Memorandum of Cooperation on Mining Sector between the Department of Environment and Natural Resources of the Republic of the Philippines and the Ministry of Economy, Trade and Industry of Japan.”

Sinasabing ang Pilipinas at Japan ay “closest Asian allies” ng Estados Unidos at “have taken a strong line against what they see as aggressive behavior by Chinese vessels” sa gitna ng decades-old disputes sa maritime sovereignty.

Walang claim ang Japan sa South China Sea, subalit mayroong hiwalay na maritime dispute sa China sa East China Sea.

Sinasabing halos katulad ang panukalang reciprocal access pact ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ang VFA ay isang bilateral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US na nagbabalangkas ng mga termino at kondisyon sa pagpasok at pagbisita ng armadong pwersa ng US sa bansa, na nagbibigay-daan para sa mga aktibidad tulad ng Balikatan, o malakihang joint military trainings.

Inilalatag nito ang mga patakaran sa mga pribilehiyo sa paglalakbay na ibinibigay sa mga tauhan ng US; ang pag-import at pag-export ng mga kagamitan, materyales, at supply ng US, pati na rin ang movement ng mga aircraft, sasakyang-dagat, at sasakyan sa loob ng bansa. Tinutukoy din ng kasunduan ang mga karapatan ng parehong mga pamahalaan sa hurisdiksyon sa mga pwersa ng US na gagawa ng mga krimen habang nasa Pilipinas.

Nilagdaan ang VFA noong Pebrero 1998, sa ilalim ng termino ni Pangulong Fidel V. Ramos, at sinundan ng isang counterpart agreement noong Oktubre, tungkol sa mga tauhan ng Pilipinas na bibisita sa US. Ito ay agad napagtibay sa administrasyon ni Pangulong Joseph “Erap” Estrada, ang kahalili ni Ramos, at opisyal na ipinatupad noong Hunyo 1999 kasunod ng pagsang-ayon ng Philippine Senate.

Sa kabilang dako, binanggit din ni Kishida  ang pagpapalawak sa joint training ng Japan sa mga kaalyado nito sa Indo-Pacific.

Ipinahayag naman ni Kishida ang kanyang mga alalahanin ukol sa security situation sa  South China Sea, sabay sabing ang agresyon doon ay  “unacceptable.”

“We shared serious concerns about the situation in the East China Sea and the South China Sea and that attempt to unilaterally change the status quo by force is unacceptable,” ayon kay Kishida.

Samantala, sinabi naman ni Kishida  pinag-usapan din nila ni Pangulong Marcos ang sitwasyon sa North Korea at Myanmar.

“And we want to secure a route where the dignity of the people can be maintained and secure peace and safety in the world through international cooperations, such as cooperations that we have in the Philippines,” base kay Kishida. Kris Jose

Previous articleJapan PM Kishida nakidalamhati sa pagkasawi ng mga Pinoy sa Israel-Hamas war
Next articleComelec office sa Samar nagliyab!