Home HOME BANNER STORY ‘Record-high’ na ani ng palay, inaasahan ngayong taon – DA

‘Record-high’ na ani ng palay, inaasahan ngayong taon – DA

MANILA, Philippines- Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) ang isang “record-high” na ani ng palay ngayong taon.

Ito’y sa kabila ng plano na mag-angkat ng 500,000 metriko toneladang bigas para idagdag sa buffer stock ng bansa dahil sa  El Niño.

“Barring strong typhoons in the coming months that may adversely affect Central and Northern Luzon, we are aiming to harvest up to 11.5 million metric tons (MT) in the second semester of the year. This would breach the 20-million MT total national palay production, making it a record, being the highest in the country’s history,” ayon kay DA Undersecretary for Rice Industry Development Leocadio Sebastian sa isang kalatas.

Nag-ugat ang kumpiyansa ng departamento mula sa mataas na output ng palay na nakita sa unang kalahati ng taong 2023.

Tinukoy ang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Sebastian na ang  palay output mula Enero hanggang Hunyo 2023 ay tumaas ng 9.02 milyong MT.

Tumaas ito ng 3.4% mula sa 8.7 milyong MT palay production na nakita sa kaparehong six-month period noong nakaraang taon at taong 2021.

“Starting the last week of August, the initial harvest of palay from the current wet season crop has commenced and will take place until September, thus, augmenting rice supply and stabilizing retail prices of the staple,” ayon kay Sebastian.

“The early palay harvest will initially come from three provinces —Isabela, Nueva Ecija, and North Cotabato —producing an estimated 900,000 metric tons,” dagdag na wika niya.

“Palay harvest will peak in late September to October, contributing largely to the country’s second semester (July to December) production, estimated at more than 11 million metric tons,” patuloy ni Sebastian.

Habang ang record harvest ay pino-project para sa buong taon, nanawagan naman ang DA para sa pag-angkat ng 500,000 metric tons (MT) ng bigas mula Nobyembre 2023 hanggang Enero 2024 upang tiyakin ang suplay ng bigas sa gitna ng El Niño phenomenon.

Samantala, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na rice stock  kahit pa matapos ang El Niño phenomenon sa susunod na taon. Kris Jose

Previous articleMaguindanao del Norte gov, si Macacua lang – BARMM spox
Next articleEnrollees para sa SY 2023-2024, 11.8M na – DepEd