Home NATIONWIDE Record high na P150B unaudited asset, naitala ng PRA

Record high na P150B unaudited asset, naitala ng PRA

MANILA, Philippines – NAPAGTAGUMPAYAN ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang fiscal year 2023 matapos makapagtala ng P150 bilyon na unaudited asset nito.

Ayon sa PRA nakuha nila ang nasabing asset dahil sa pamumuno ni PRA Chairman Alex Lopez, PRA General Manager at CEO Cesar Siado Jr., at ang buong board of directors nito.

Paliwanag ng PRA, sa pamamagitan ng kanilang ginawang modification sa accounting process ay napataas nila ang kanilang asset kung saan inaasahan nila na magreresulta sa mas magandang financial standing.

Bunsod nito ay posible nang makakuha ang PRA ng mas maraming investors at partners mula sa pribadong sektor sa pamamagitan naman ng public private partnerships.

Kaugnay nito, sinabi naman ni PRA Asst. General Manager Atty. Joseph Literal na sinisiguro nila na may ginagawa ang kanilang ahensya para matulungan ang publiko partikular na ang naapektuhan ng mga reclamation projects.

Aniya, mayroon silang Social Development Management Plan na siyang direktang aktibidad na nakalaan para sa mga apektado ng ibat ibang proyekto ng PRA.

Paliwanag ni Literal, kabilang sa mga proyekto nila ay livelihood, training, pagbibigay ng mga gamit pangkabuhayan at iba pa.

Giit pa nito ang mga naturang programa at tulong ay magpapatuloy kahit pa mahinto na ang mga proyekto ng PRA.

May scholarship program din ang ahensya para sa mga pamilya ng mga apektado ng reklamasyon kung saan posibleng maging empleyado ang mga ito ng mga negosyo na itatayo sa reclaimed area.

Samantala, tiniyak din ng PRA na sa laki ng kanilang asset ay handa silang tumulong sa pamahalaan.

Ayon kay PRA Asst. General Manager Joselito Gonzales, madadagdagan pa ang P150 bilyon na kasalukuyang unaudited asset nito sa oras na kumita na ang mga invest ng kanilang ahensya.

Kasabay nito ay sinabi din ng PRA na inaasahan nilang makumumpleto ang ilang reclamation project sa Manila Bay sa Disyembre ng taong 2025.

Ito anila ang mga bahagi sa Pasay at Cavite kung saan inaasahang magiging business district din ang mga ito. RNT

Previous articleBatang Pinoy standouts bronze sa 11th Asian Age Group Championships
Next articleBela at Norman, nag-celebrate ng 4th anniv!