Home NATIONWIDE Recruitment scam ng Pinoy sa Italy, pinaiimbestigahan ni Tulfo

Recruitment scam ng Pinoy sa Italy, pinaiimbestigahan ni Tulfo

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Senador Raffy Tulfo sa Senado ang napaulat na multi-million illegal recruitment scheme na nambibiktima ng gga Pinoy na nagbabalak magtrabaho sa Italy.

Dahil dito, naghain si Tulfo, Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, ng Senate Resolution (SR) No. 816 kasunod ng mga ulat na daan-daan ang nabiktima na natangayan ng pera ng consultancy firm na Alpha Assistenza SRL.

Ang kumpanya ay pinamumunuan ng Filipino co-CEOs na sina Krizelle Respicio and Frederick Dutaro.

Sinabi ni Tulfo na ayon sa mga biktima ng OFW, nagbayad sila sa Alpha Assistenza ng hindi bababa sa 2500 euros (Php 120,000.00), habang ang ilan sa kanila ay umamin na nagbayad ng kabuuang 5780 euros (Php 347, 140.00) sa paniniwalang makakakuha sila ng trabaho sa Italy.

Matapos maibigay ang bayad, ipinadala umano sa mga aspiring OFW via email o social media ang kanilang work permit. Pero nang isumite nila ang dokumento sa Italian Embassy sa Pilipinas, tinanggihan ito.

Nagsampa na ng pormal na reklamo ang 68 complainants sa Department of Justice sa Maynila habang inalerto ng embahada ng Pilipinas sa Italy ang Public Prosecutors Office sa Roma, ang SUI, ang Questura at ang Italian Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation ng umano’y large-scale fraud.

Binigyang-diin din ni Tulfo na dapat ding imbestigahan ang ilang alegasyon ng mga biktima tungkol sa umano’y “non-action” ng konsulado ng Pilipinas sa Milan.

Sa paghahain ng nasabing resolusyon, sinabi ni
Tulfo: “there is a need to review existing laws and policies on illegal recruitment and adopting other legislative measures to curb the proliferation of such vicious acts.” Ernie Reyes

Previous articleVP Sara pinuna ng Obispo
Next articleMas mabigat na parusa planong ipataw sa jaywalking