Home NATIONWIDE Recto itinalagang Cabinet rep sa Monetary Board ng BSP

Recto itinalagang Cabinet rep sa Monetary Board ng BSP

MANILA, Philippines- Pinangalanan si Finance Secretary Ralph Recto bilang Cabinet representative sa Monetary Board, na kukumpleto sa pitong miyembro ng policy-setting body ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Inihayag ng BSP nitong Lunes na nanumpa si Recto sa BSP head office sa Manila nitong Lunes, Enero 22, matapos italaga sa pwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pinamumunuan ni BSP Governor Eli Remolona Jr. ang Monetary Board, habang miyembro nito sina dating Finance Secretary Benjamin Diokno, V. Bruce Tolentino, Anita Linda Aquino, Romeo Bernardo, at dating National Treasurer Rosalia De Leon.

Base sa central bank, pinangangasiwaan ang Monetary Board ng BSP Governor, na may limang full-time members mula sa pribadong sektor, at isang miyembro mula sa Gabinete.

Nito lamang nakaraang linggo ay sinabi ng BSP officials na ang Finance Secretary iay hindi awtomatikong Cabinet representative sa Monetary Board.

Kasunod ang pagkakatalaga kay Rectos bilang kinatawan sa Monetary Board matapos niyang manumpa bilang Finance Secretary nitong buwan. Aniya, tututukan niya ang koleksyon ng halos P4.3 trilyong buwis sa susunod na taon. RNT/SA

Previous articlePinakabagong insidente sa Bajo de Masinloc nilinaw ng PCG
Next articleEx-Makati mayor inabswelto ng Sandiganbayan sa graft, malversation