Home NATIONWIDE ‘Red alert’ status itinaas ng France sa sobrang init ng panahon

‘Red alert’ status itinaas ng France sa sobrang init ng panahon

PARIS – Nagpalabas ang France ng “red alert” na babala nitong Lunes para sa apat na rehiyon sa gitna ng sobrang init ng panahon, na inaasahang tataas ang temperatura sa 41 degrees Celsius (106 degrees Fahrenheit) sa Rhone valley.

Ang nasabing red alert ay ang pinakamataas na babala sa kanilang bansa na itinaas sa rehiyon ng Rhone, Drome, Ardeche at Haute-Loire.

Ito na ang ikaanim na pagkakataon na itinaas sa bansa ang red alert—bahagi ng programa ng gobyerno na protektahan ang populasyon sa mga panahon ng matinding lagay ng panahon—at ang unang insidente sa taong ito.

Inaasahang tataas ang mga temperatura sa pagitan ng 40°C at 42°C (104°F at 108°F) sa Martes ng hapon sa mga katimugang departamento ng Ardeche, Drome, Vaucluse at Gard, sabi ng Meteo France. RNT

Previous article5 arestado sa P1.3M ‘bato’ sa Bacolod
Next articleTop 5 performing, most trusted government agencies, alamin!