Home NATIONWIDE Red-tagging hindi state policy-DOJ

Red-tagging hindi state policy-DOJ

MANILA, Philippines – Hindi kailanman pamamalakad ng pamahalaang Pilipinas ang red tagging.

Ito ang tiniyak ni Justice Undersecretary Jessie Andres sa kanyang pulong kay United Nations Special Rapporteur Irene Khan.

Ang red-tagging o pagbansag sa ilang indibidual at organisasyon na taga suporta o miyembro ng

terrorist o communist groups dahil sa pananalita at pagbatikos sa polisiya ng gobyerno.

Isa ito sa maraming isyus na tinalakay ng DOJ ay ng UN Special Rapporteur.

Binigyan-diin ni Andres na hindi state policy ang red tagging at kung sino man ang sangkot sa ganitong uri ng paraan ay mananagot sa batas.

Ipinaliwanag ni Andres kay Khan na sapat ang mechanismo ng DOJ para matugunan ang usapin ng red tagging katuwang ang mga civil society organization.

Ito aniya ang isa sa solusyon upang mabuo ang tiwala ng civil society organizations sa pamahalaan at mabatid na iisa lamang ang kanilang adbokasiya at mithiin.

Sinabi naman ni Justice Undersecretary Raul Vasquez, handa ang kagawaran na tumulong sa sinuman na biktima ng red tagging.

Matapos ang 10-day visit na pagbisita sa bansa, si Khan ay inaasahan na maglalabas ng final report na isusumite sa 59th Session ng UN Human Rights Council sa June 2025. Teresa Tavares

Previous articleCha-cha para sa Pinoy, ‘di para sa politiko – Speaker
Next articlePinas may malaya at masiglang media community – PTFoMS