Home NATIONWIDE Red tide alert itinaas sa bahagi ng Samar, Cebu

Red tide alert itinaas sa bahagi ng Samar, Cebu

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na huwag kumain ng mga lamang-dagat na kinuha mula sa ilang dalampasigan sa Samar at Cebu dahil sa red tide phenomonen.

Sa local advisory na inilabas nitong Martes, Oktubre 24, sinabi ng BFAR na nagpositibo sa Pyrodinium bahamense, isang toxic microorganism na nagdudulot ng paralytic shellfish poisoning (PSP), ang tubig mula sa Cambatutay Bay.

Huling naitala ang red tide sa Cambatutay Bay dalawang taon na ang nakakaraan.

“To safeguard human lives, we are issuing this warning as a precautionary advice to the public to refrain from gathering, selling, and eating all types of shellfish and Acetes sp. locally known as ‘alamang‘ or ‘hipon‘ from these bays,” saad sa abiso ng BFAR.

Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, alimango at hipon na nakuha mula sa nabanggit na lugar.

Samantala, nagbabala rin ang BFAR na iwasan din ang paghuli at pagkain ng shellfish mula sa munisipalidad ng Madridejos, sa Cebu matapos na magpositibo rin ito sa red tide.

“We advise all shellfish gatherers, traders, and consumers to exercise caution and avoid collecting, harvesting, and consuming shellfish or bivalves such as clams, mussels, oysters, and scallops; and sea urchins, from the affected areas until further notice, as well as ingesting contaminated seafood, which can lead to intoxication and pose serious health risks,” pahayag ni Reynaldo Santillan, acting municipal agriculturist ng Madridejos sa abiso sa publiko.

Nauna nang itinaas ng BFAR ang red tide warning sa San Pedro Bay sa Basey, coastal waters ng Calbayog City, at Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, lahat ay nasa Samar.

Kabilang din dito ang Matarinao Bay sa mga bayan ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar. RNT/JGC

Previous articleIlang araw bago mag-Undas, BSKE mga pasahero sa PH ports dumarami na – PCG
Next article3rd district ng Leyte pinadaragdagan ng mga pulis, sundalo sa karahasan