Home NATIONWIDE Red tide warning inilabas sa mga lugar sa VisMin

Red tide warning inilabas sa mga lugar sa VisMin

MANILA, Philippines – Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Tinukoy ng ahensya na ang shellfish at alamang sa mga sumusunod na lugar ay naglalaman ng toxins na higit sa regulatory limits:

Coastal waters ng Pontevedra sa Capiz
Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
Lianga Bay sa Surigao del Sur
Coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte

Inabisuhan ng BFAR ang publiko sa pangunguha, pagbebenta, pagbili o pagkain ng shellfish mula sa mga nabanggit na lugar.

“All types of shellfish and Acetes [species] or alamang gathered from the areas shown above are not safe for human consumption,” saad sa abiso ng BFAR nitong Huwebes, Disyembre 21.

Nilinaw ng BFAR na ligtas kainin ang mga isda, hipon, pusit at alimango sa mga nabanggit na lugar. RNT/JGC

Previous articleDirect flights mula Guangdong pa-Cebu, magpapalakas sa economic cooperation
Next articleEEZ rights igigiit sa WPS ‘paradigm shift’ – Teodoro