MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga residente sa ilang coastal areas sa Surigao del Sur at Surigao del Norte kaugnay sa kontaminasyon ng red tide sa lugar.
Sa bulletin nitong Biyernes, sinabi ng ahensya na nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) ang sinuring shellfish sa coastal waters ng Lianga Bay sa Surigao del Sur at San Benito sa Surigao del Norte.
“The PSP or toxic red tide in shellfish collected and tested in said areas are beyond the regulatory limit,” saad sa bulletin.
Nagbabala rin ang ahensya laban sa pagkain ng lahat ng uri ng shellfish, at Acetes sp. o kilala bilang alamang na nakuha mula sa mga apektadong lugar.
Samantala, ang mga isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas namang kainin basta’t lutuin ng mabuti. RNT/JGC