Redeployment ng DTTBs sa pribadong ospital sa Cebu, pinalagan ni Risa

Redeployment ng DTTBs sa pribadong ospital sa Cebu, pinalagan ni Risa

June 30, 2020 @ 11:26 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Mariing pinalagan ni Senador Risa Hontiveros ang pag-aalis at pagtatalaga ng mga Doctors to the Barrio (DTTB) ng Department of Health (DOH) sa mga pribadong ospital sa Cebu City na sentro ngayon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na salungat ang ginawa ng DOH sa orihinal na layunin ng DTTBs na magbigay ng kalidad at pangunahing health care sa malalayong lugar na walang doktor.

“Naiintindihan ko na ngayong panahon ng pandemya ay nangangailangan ng mas maraming doktor, pero salungat sa Doctors to the Barrios o DTTB program ang kanilang redeployment sa mga pribadong ospital sa Cebu,” ayon kay Hontiveros.

Aniya: “The DTTB’s main objective is to provide quality and primary healthcare to marginalized, unserved and hard-to-reach communities in poor municipalities. I commend doctors who, under normal times, already answer the call to serve these remote communities. I have no doubt that they are ready to answer a call of duty at any time.”

Dahil dito, nanawagan si Hontiveros sa DOH na huwag tanggalan ng katuwang ang mga mahihirap na komunidad. “Huwag natin tanggalan ang mga Pilipino ng mga doktor na nagsisilbing pananggalang nila laban sa COVID-19 at sa iba pang mga sakit.”

“The DOH should, instead, heed our previous call of hiring more healthcare workers and doctors. Bakit kailangan ng re-deployment sa pribadong hospital kung kaya namang mag-emergency hiring at kumuha ng consultant para sa short-term services? DOH should ramp up emergency hiring of health professionals to augment Human Resources for health for deployment in hospital and community health setting,” ayon sa mambabatas.

Aniya, hangga’t maaari, huwag na ilagay sa alanganin ang kalusugan ng mga nasa malalayong komunidad.

“We should improve access to healthcare in our far-flung areas and communities and not further limit it,” aniya. Ernie Reyes

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...