Home NATIONWIDE Referral system sa human rights victims, binuo ng DOJ at CHR

Referral system sa human rights victims, binuo ng DOJ at CHR

MANILA, Philippines – Nagsama ang Department of Justice Board of Claims (DOJ-BOC) at Commission on Human Rights (CHR) para magtatag ng referral system para sa mga biktima ng human rights abuses gaya ng extra-judicial killings (EJKs), torture, enforced disapperances at iba pa.

Isinagawa kanina ang joint signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina DOJ Undersecretary-in-Charge for BOC Deo Marco at CHR Chairperson Richard Palpal-latoc.

Isa itong mahalagang milestone para pangalagaan ang human rights victims.

Nakasaad sa kasunduan ang mga tungkulin ng bawat partido sa pagtulong sa mga biktima na nararapat bigyan ng financial aid.

Ang referral system ay isang informal process na sisimulan ng CHR kung saan ieendorso nito sa DOJ-BOC ang mga biktima ng human rights abuses na may nakabinbin na kaso para maproseso ang kanilang claims sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7309 o “The Board of Claims.”

Ieendorso naman ng DOJ-BOC sa CHR ang kaso ng mga human rights violations na hindi mapagkakalooban ng kompensasyon para sa kaukulang tulong.

“Compensating victims of injustice is a form of mandatory justice accorded by the Rule of Law which no rule or formality should hinder in any way,” ani Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla.

Sa ilalim ng MOA, ang DOJ ay obligado na tanggapin at suriin ang mga ni-refer para magkaroon ng kompensasyon.

Nakasaad sa kasunduan na “DOJ-BOC and CHR are “duty-bound to compensate qualified victims as part of their respective mandates.” Teresa Tavares

Previous articleAwra, proud sa amang MBA degree holder!
Next articleKelot todas sa duyan