Home HOME BANNER STORY Regional issues tinalakay nina PBBM, Widodo

Regional issues tinalakay nina PBBM, Widodo

MANILA, Philippines – PINAG-USAPAN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo ang iba’t ibang regional issues, kabilang na ang developments sa South China Sea.

Tinalakay din ng dalawang lider ang “closer cooperation” ng mga member states na kabilang sa Southeast Asian bloc.

Sa isang joint press statement sa Palasyo ng Malakanyang makaraan ang bilateral meeting ng dalawang lider, sinabi ni Pangulong Marcos na nagkaroon sila ng mabunga at tapat na pag-uusap ni Widodo ukol sa mga kaganapan sa South China Sea.

Kapuwa pinanindigan at suportado ng mga ito ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

“President Widodo and I had a fruitful and honest discussion on regional events of mutual interest such as the developments in South China Sea and ASEAN cooperation and initiative,” ayon kay Pangulong Marcos.

“And speaking of ASEAN, as founding members of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) and the Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), the Philippines and Indonesia affirmed our insistence on the universality of UNCLOS, which sets out the legal framework that governs all activities in the oceans and in the seas,” aniya pa rin.

Tinukoy ng Pilipinas ang mga bahagi ng South China Sea na nakapaloob sa exclusive economic zone (EEZ) bilang West Philippines Sea.

Tinuran pa ni Pangulong Marcos na kapuwa nila sinang-ayunan ni Widodo ang patuloy na pagtutulungan sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa politika at seguridad.

Nauna rito, nagkaroon muna ng Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC) na pinangunahan ng kani-kanilang foreign ministers.

Samantala, binanggit naman ni Pangulong Marcos na isinulong na ang ilang action points sa Plan of Action ng JCBC na tinintahan noong Setyembre 5, 2022, sa state visit ni Pangulong Marcos sa Indonesia.

Para naman kay Widodo, kapuwa nila sinag-ayunan ni Pangulong Marcos na pabilisin ang rebisyon ng border patrol agreements sa pagitan ng Maynila at Jakarta.

“In the field of politics and security, we have agreed to strengthen border cooperation and I conveyed the importance of revisions of border patrol agreement and border crossing agreement,” ayon kay Widodo.

Si Widodo ay nasa Maynila mula Enero 10 hanggang 11 para sa isang official visit.

Ang Indonesia ang kauna-unahang bansa na binisita ni Pangulong Marcos nang maupo ito bilang halal na Pangulo ng bansa noong 2022. Kris Jose

Previous articleCha-cha sa pamamagitan ng ‘People’s Initiative’ suportado ng Albay mayors
Next articlePagbili ng Chinese jeepneys ‘di ipinipilit ng pamahalaan – DOTR