MANILA, Philippines- Asahan na ang pagdating sa Pilipinas ni Canadian Foreign Minister Melanie Joly ngayong linggo para sa kanyang three-day visit na naglalayong i-promote ang “regional stability, rules-based international order” at para talakayin ang bagong Indo-Pacific strategy ng Canada kasama ang mga opisyal ng Pilipinas.
Makakapulong ni Joly sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang counterpart na si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at iba pang miyembro ng gabinete para pag-usapan ang “regional security and stability, maintenance of a rules-based international order” sa gitna ng tumataas na tensyon sa pinagtatalunang South China Sea at Taiwan Straits.
Tatalakayin din ni Joly sa miting ang Indo-Pacific Strategy ng Canada at partnership nito sa Association of South East Asian Nations.
“The Indo-Pacific is the global centre of economic dynamism and is of strategic importance to our security. What brings our countries together is our unwavering commitment to democracy, prosperity, and a free, open and sustainable Indo-Pacific, rooted in the rule of law,” ani Joly sa isang kalatas.
Layon aniya ng Canada na “deepen relationships in the region with key partners,” kabilang na ang Pilipinas at Korea, kanyang bibisitahin ang Korea bago ang kanyang Manila trip.
Advertisement