Home NATIONWIDE Regulasyon sa forwarders hihigpitan pa ng BOC

Regulasyon sa forwarders hihigpitan pa ng BOC

MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio ang pagbuo ng Customs Administrative Order na magsasagawa ng regulasyon at mag-oobliga sa pagpaparehistro ng mga forwarder.

Ang forwarder ay mga tao o institusyon na nangangasiwa sa dispatch at delivery ng mga produkto sa iba’t ibang lugar.

Ito ay tugon sa reklamong inihain ng Overseas Filipino Workers (OFWs) kaugnay sa mga delayed balikbayan boxes na nakatambak lamang sa BOC.

“Commissioner Bien Rubio already directed the drafting of a Customs Administrative Order to regulate and require registration of these forwarders as a preventive step,” sinabi ni Chief-of-Staff of the Office of the Commissioner Atty. Marlon Agaceta nitong Sabado, Setyembre 23.

“Mas hihigpitan po ‘yung mga authorized forwarders that allowed to transact with the BOC,” dagdag pa niya.

Ani Agaceta, isa sa mga programang target ng komisyon ay ang pagbibigay sa mga OFW ng online information tungkol sa accredited forwarders.

“Isa rin po sa mga programs na sinet ni Commissioner is yung magkaroon ng online information for those accredited forwarders, para ma-avoid ng mga kababayan natin sa ibang bansa na ma-avail yung mga services ng mga mapagsamantalang forwarders,” pagpapatuloy niya.

Ipinaliwanag din niya kung paanong nagiging biktima ng self-serving forwarders ang mga OFW.

“Unfortunately po kasi, ang nangyayari po dyan sa mga issues ng balikbayan box, nabibiktima yung mga kababayan natin ng mga forwarders na unscrupulous po,” pagbabahagi ni Agaceta.

“Lahat ng privilege, binibigay ng BOC para sa mga OFWs. Exempted po yan sa X-ray and everything. Kaya lang po, yun nga po, ginagamit po yung privilege ng mga OFWs ng mga mapagsamantalang forwarders,” dagdag pa niya.

May mga pagkakataon din umano na may mga produktong ibinabiyahe sa ilalim ng pangalan ng ilang OFW na wala man lamang kaalam-alam.

Binanggit din ni Atty. Agaceta na may mga forwarder na inaabandona ang mga padala.

“And meron na rin pong isinampang kaso sa mga na-identify na forwarders na pinababayaan yung mga kargamento,” aniya.

Para solusyunan ang mga ganitong problema sa balikbayan boxes, ibinahagi ng BOC ang pamamaraan kung paano magagamit ang social media para magsumbong tungkol sa mga padala na hindi naihatid sa partikular na panahon sa pamamagitan ng isang forwarder, upang makatulong na maibalik ang mga ito sa may-ari. RNT/JGC

Previous articleShabu lab sa cult-infested community patututukan ng Surigao gov
Next articleDOT nagbabala sa mga turista sa mga lugar na apektado ng vog