Home NATIONWIDE Regulasyon sa paglabag ng e-vehicles sa batas-trapiko, isinusulong ng solon

Regulasyon sa paglabag ng e-vehicles sa batas-trapiko, isinusulong ng solon

MANILA, Philippines – Ipinanukala ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte na magkaroon ng regulasyon sa paggamit ng personal mobility scooters, e-motorcycles at iba pang electric motor vehicles sa kalye.

Binigyang diin ng mambabatas na ang paggamit ng mga nasabing behikulo ay ipinahintulot noong panahon ng pandemya ngunit sa ngayon aniya ay dapat ng magkaroon o magpataw ng parusa sa sinumang lumalabag sa batas trapiko.

“The mounting complaints about the use of electric-powered vehicles on main thoroughfares, along with ensuring the safety of all motorists and commuters, necessitate the passage of a law that would regulate the use of these vehicles and penalize their riders who violate traffic rules and regulations,” ani Duterte.

Inihain ng mambabatas ang House Bill (HB) 8974 na naglalayong maipagpatuloy, maisaayos at maitama ang panuntunan n a ipinaiiral ng Land Transportation Office (LTO) para sa mga riders ng electric motor vehicles.

Sa panukala ni Duterte ay nakasaad na ang anumang paglabag sa batas-trapiko ng mga riders ng e-motor vehicles ay dapat mapatawan ng multa mula P1,500 hanggang P10,000 at iba pang multa na pinaiiral at ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr) sa mga paglabag sa licensing, registration, operation, load limits at rekisitors sa pagkuha ng prangkisa.

Katuwang ni Duterte sa pagbalangkas ng panukalang ito ay sina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap.

Batay pa rin sa HB 8974 ang electric vehicles na aabot sa maximum speeds na 25 kilometers per hour (kph) o e-bikes na tatakbo ng hanggang sa 50 kph ang mga riders ay hindi kailangang may driver’s license ngunit lahat ng nagpapatakbo o gumagamit nito ay dapat nakasuot ng protective helmets.

Kabilang sa klasipikasyong ito ang personal mobility scooters na ginagamit lamang sa malalapit na biyahe, electric kick scooters, L1a vehicles o two-wheeled e-bikes, L1b vehicles o e-bikes na tumatakbo ng 50 kph, maging ang L2a vehicles o three-wheeled e-vehicles na may maximum speeds na 25kph.

Binigyang diin din sa panukala na ang mga behikulong ito ay nararapat lamang gamitin sa mga limitadong at pribadong kalsada, barangay roads, at local roads bukod sa personal mobility scooters at electric kick scooters lahat ng mga katulad pa nito ay mangangailangang makapagpakita ng driver’s license ang mga drayber nito.

Maging ang mga manufacturers, assemblers at importers ng electric vehicles ay kailangang magsumite sa LTO ng specifications ng mga modelo ng e-vehicle models nang hindi lalagpas sa tatlong buwan kapag ito ay inilabas na sa merkado upang mabatid ang klasipikasyon nito.

Ang LTO na rin ang magtatakda ng presyo ng e-vehicle maging ng motor vehicle user’s charge (MVUC) na nararapat sa mga behikulong nabibilang sa L2b. Meliza Maluntag

Previous articlePH crime rate bumaba ng 8%
Next article3 Filipino seafarer na nasaktan sa nasirang Russian missile, ligtas – DMW