Home NATIONWIDE Regulasyon sa tubig inirekomenda ng El Niño task force sa NCR –...

Regulasyon sa tubig inirekomenda ng El Niño task force sa NCR – MMDA

304
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magpatupad ng hakbang ang Task Force El Niño sa kani-kanilang local government units (LGUs) sa National Capital Region para sa regulasyon ng tubig sa susunod na linggo, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, Mayo 19.

Ani MMDA chairperson Romando Artes, magpapasa ang mga task force ng kani-kanilang suhestyon para mabawasan ang epekto ng El Nino.

“Wala po tayong binibigay na deadline pero as soon as possible. Ang balak po kasi namin ay mag-convene kaagad ng Metro Manila Council meeting,” pagbabahagi ni Artes sa press briefing.

“Siguro in a week or two, siyempre gagawin pa nila yung kanilang tasks and reports,” dagdag pa niya.

Ayo kay Artes, ang mga rekomendasyon ay pag-aaralan at iuugnay sa angkop na ahensya ng pamahalaan para sa implementasyon.

Nauna nang sinabi ni Metro Manila Council (MMC) President at San Juan City Mayor Francis Zamora na pinag-aaralan na nila ang regulasyon sa paggamit ng tubig sa ilang establisyimento dahil sa nagbabadyang banta ng El Nino.

Matapos naman ang pagpapatupad ng regulasyon sa tubig, maglalaan ng badyet ang MMDA para sa procurement ng gamit upang makakuha ng tubig sa hangin.

“Magse-set aside tayo ng pondo. Meron po kasing bagong technology ngayon na kung saan ang hangin ay nakukuhanan ng tubig,” ani Artes.

Para kay Artes, handa ang MMDA na tugunan ang epekto ng paparating na El Nino. RNT/JGC

Previous articlePBBM OK sa 5-year extension ng CARS program – PSAC
Next articleIllegal recruitment syndicates, tutuldukan sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here